Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

经认证的本地博主

Ito ang paglalahad ng karanasan ng Golden Circle tour sa Iceland mula sa isang Filipina.  Noong huling winter last year, nag Golden Circle tour kami ng aking asawa na si Egill.  Sabi niya sa akin ang tour na ito ay isa sa mga pinakadinarayo ng mga turista sa Iceland. Sa tour na ito nakikita ang meeting point ng Europa at America.  Dahil winter noong nagpunta kami, malamig at natakpan lahat ng yelo, pero patuloy na dumadaloy ang waterfalls.  Ang mga paligid ay natakpan ng puting yelo.  Ang buong drive ay puro puti lang ang nakikita para sa maraming kilometro.  Eto ang mga litratong nakuhanan ko.

Ito ang North Atlantic Ridge kung saan ang lupain ng Europa at America ay magmimeet.

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Ito ang view.

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Ito ang Gullfoss o sa Tagalog Gintong (Gull) waterfall (foss).  Isa itong napakalaki at lawak na talon.

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Ito ako noong nakaraang Pebrero 2015, winter at balot na balot. Tatlong jacket ang suot ko at pinilit ako mag scarf ng aking asawa kahit ayaw ko nga magsuot ng scarf dahil raw malamig at tama siya.  Naka hiking boots ako na may kinabit na spikes para di madulas sa yelo.  May mga part ng tour na maglalakad nang may kalayuan pero may option din na umupo lang sa tour bus.  3 months pregnant din ako noong ginawa ko ang tour na ito.

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Ito naman ang geysir kung saan may mainit na tubig na biglaang magbubuga pataas.  Mainit ito pero ang paligid ay balot ng yelo. 

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Golden Circle Tour sa Winter, Pebrero 2015

Ang salitang geysir ay mula sa Icelandic, dahil ito ay native sa Iceland.  May geysirs din sa ibang parte ng mundo pero sa Icelandic kinuha ang pangalan nito.

Dito ang katapusan ng aking mga litrato.  Sa susunod kong blog post, ikukwento ko naman ang aking pag tour ng Golden Circle sa summer o tagaraw, sa Hunyo 2015.  Hindi na takip ng yelo ang kapaligiran, green ang mga grass at buhay ang mga halaman, may lumabas pang rainbow.  Buhay na buhay ang mga talon kapag imbis na napapaligiran ng puro puting nyebe ay berdeng halamanan.  Napakaganda rin ng Golden Circle sa summer.

阅读更多博客

其他有意思的博客

Link to appstore phone
安装冰岛最大的旅行应用程序

将冰岛最大的旅行平台下载到您的手机中,一站式管理您的整个行程

使用手机摄像头扫描此二维码,然后点击显示的链接,将冰岛最大的旅行平台添加到您的手机中。输入您的电话号码或电子邮件地址,以接收包含下载链接的短信或电子邮件。